-- Advertisements --

Sugatan ang walong katao matapos na sila ay araruhin ng truck sa New York City.

Naganap ang insidente sa Sunset Park, Brooklyn kung saan tinangka pa ng suspek na tumakas subalit at ito ay naaresto ng mga kapulisan.

Hawak ng mga kapulisan ang 62-anyos na suspek na pinaniniwalaang mayroong problema sa pag-iisip.

Nagpapagaling pa rin ang mga biktima sa pagamutan kung saan dalawa sa mga dito ay nasa malubhang kalagayan.

Sinabi ni NYPD Commissioner Keechant Sewell na walang senyales na isang uri ng terorismo ang insidente.