-- Advertisements --

Sugatan ang walong katao matapos na sila ay masagasaan sa isang mud racing events sa Fabens, Texas.

Tatlong katao ang nasa malubahang kalagayan habang ang lima ay hindi gaanong matinding sugat sa katawan ang natamo.

Sa imbestigasyon ng El Paso County Sheriff Office na biglang nawalan ng control ang isang sasakyan at lumabas sa track at sinagasahan ang mga taong na nanonood.

Bukod sa mga tao ay mayroong tatlong sasakyan rin ang nabangga sa naturang aksidente.

Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.