KALIBO, Aklan – Sugatan ang walong katao nang biglang bumagal ang takbo ng isang pampasaherong van at masalpok ng kasunod na delivery truck sa national highway ng Barangay Tagbaya, Ibajay, Aklan.
Base sa report, magkasunod na binabagtas ng dalawang sasakyan ang highway sa lugar nang mangyari ang insidente.
Sinasabing biglang bumagal ang takbo ng van na minamaneho ni Gabriel Mateo Angelo, 29, residente ng Brgy. Poblacion, Numancia kasunod ng pagtigil ng isa pang van sa kanyang unahan dahil sa naka-park sa tricycle.
Hindi agad naka-preno ang kasunod na truck kaya tuluyan itong sumalpok sa pampasaherong van na nagmula sa Caticlan at papuntang Kalibo.
Dahil dito, tumilapon sa kabilang linya ng kalsada ang van na nasagi ng paparating na wing van truck.
Nagtamo ng bukol at sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga analog na pasahero na agad na isinugod sa Ibajay District Hospital na kalaunan ay inilipat sa Aklan Provincial Hospital.
Kasalukuyang nakakulong sa Ibajay PNP ang driver ng truck na si Randy Betsaida, 34, ng Balasan, Iloilo para sa kaukulang disposisyon.