-- Advertisements --
Sugatan ang walong katao matapos na sila ay pagsasaksakin sa England.
Ayon sa Merseyside Police agad silang rumesponde sa tawag sa kanila na mayroong naganap na pananaksak sa Hart Street.
Naaresto ng mga otoridad ang lalaking suspek kung saan nakuha sa kustodiya nito ang isang kutsilyo.
Dinala sa pagamutan ang mga biktima at patuloy na silang nagpapagaling.
Tinawag ni Prime Minister Sir Keir Starmer ang insidente bilang nakakagulat at nakakabahala.
Agad na nagpatawag ito ng malalimang imbestigasyon sa nasabing insidente.