-- Advertisements --
Patay ang walong military na miyembro ng peacekeeping forces sa Egypt matapos ang pagbagsak ng sinakyang nilang helicopter.
Kabilang sa nasawi ang anim na Americans, isang Frence at Czech national sa pagbagsak na naganap sa southern Sinai Peninsula partikular na sa bisinidad ng Sharm el-Sheikh.
Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga otoridad sa nasabing lugar.
Ang peacekeeping forces o kilalang mga Multinational Force and Observers (MFO) ay siyang tumitingin sa peace agreement sa pagitan ng Egypt at Israel bilang bahagi ng Camp David Accords of 1978.
Binubuo ito ng 1,150 na mga sundalo mula sa 13 bansa kabilang ang 450 Americans.