-- Advertisements --

Arestado ang walong sundalo ng Burkina Faso dahil umano sa tangkang kudeta.

Isa kasi sa mga suspek ang nagturo sa mga otoridad ukol sa plano nilang pag-destabilize ng gobyerno.

Naka-high alert kasi ang mga sundalo ng West at Central Africa dahil sa mga naganap na kudeta noong nakaraang 18 buwan sa Mali at Guinea.

Patuloy naman na iniimbestigahan ng mga otoridad ang mga naarestong suspek.