-- Advertisements --

Kasong kidnapping at illegal detention ang inihain laban sa mga suspek na iniuugnay sa misteryosong pagkawala ng anim na sabungero ayon sa Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Sa pagpapatuloy nang pagdinig ng Senate public order committee sa pagkawala ng nasa 30 sabungero, inihayag ni CIDG Director Eliseo Cruz na nasa kabuuang tatlong witnesses ang lumantad at tinuky ang walong suspeks.

Ayon kay Cruz ang kidnapping at serious illegal detention ay punishable sa ilalim ng Article 268 ng Revised Penal Code na inihain laban sa natukoy na 8 suspect at iba pang John Does o hindi pa napapangalanang mg suspek sa Department of Justice noong Marso 18.

Batay sa sinumpaang statement ng mahalagang witness, natukoy nito ang anim na suspek habang ang dalawang iba pang witnesses naman ay natukoy ang dalawa pang mga suspek.

Ang tatlong mga suspek ay iniuugnay sa pagkawala ng anim na sabungero na huling namataan sa Manila Arena noon pang Enero 13, 2022.

Kaugnay nito, magsasagawa ng malalimang imbestigasyon ang PNP at CIDG investigators sa mga sinumpaang pahayag ng mga witnesses at nakalap na mga ebidensiya.