BACOLOD CITY – Umaabot sa halos P2.3 million na halaga ng iligal na droga ang nakumpiska sa magkahiwalay na buy bust operation sa Negros Island.
Nakuha ng City Drug Enforcement Unit ng Bacolod City ang P1.8 million na halaga ng hinihinalang shabu sa operasyon sa lungsod kagabi.
Subject ng operasyon si alyas Buktot na isang high-value target na tumanggi namang magbigay ng pahayag.
Huli rin ang isa pa nitong kasamahan.
Samantala, limang lalaki naman ang naaresto sa buy bust operation sa Silay City, Negros Occidental.
Narekober sa kanila ang 10 sachet ng suspected shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P315,000.
Sa Dumaguete City, Negros Oriental naman, arestado ang 37-anyos na lalaki matapos makuhaan ito ng 10 sachet ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P170,000.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa sa mga suspek.