-- Advertisements --

Nauwi sa pagkaputol ng kamay ng isang 8 taong gulang na batang lalaki matapos sumabog ang sinunog na hindi sumabog na paputok kasama ang 3 iba pa na nasugatan din sa insidente.

Nagsunog umano ang 4 na bata ng mga piraso ng papel at isa sa kanila ang pumulot ng paputok na hindi sumabog at inilagay ito sa apoy. Ilang sandali pa ay sumabog ito.

Agad namang isinugod ang 4 na biktima sa ospital. Na-discharge ang 3 sa mga ito matapos malapatan ng lunas habang ang 8 taong gulang naman ay kinailangang dalhin sa children’s hospital kung saan sa kasamaang palad ay pinutulan ito ng kamay.