-- Advertisements --

Patay ang walong miyembro ng United Nations peacekeeping force matapos na bumagsak ang helicopter na kanilang sinakyan sa eastern Democratic Republic of Congo.

Kabilang ang helicopter sa mga reconnaissance mission ng ito ay bumagsak sa North Kivu.

Anim sa mga miyembro nito ay mga Pakistan habang dalawang military staff ay mula sa Russia at Serbia.

Agad naman na narekober ng mga otoridad ang bangkay ng mga biktima.

Habang inaalam pa ng mga otoridad ang sanhi ng pagbagsak ng nasabing helicopter at patuloy ang ginagawang imbesitgasyon dito.

Patuloy kasi ang nagaganap na sagupaan ng mga Congolese military at mga rebel group ng Congo na kilala bilang mga M23.