Tumulong na ang walong environmental at weather expert mula sa US sa nagpapatuloy na pag-kontrol sa tumagas na langis mula sa MT Terranova.
Kahapon nang dumating ang mga eksperto sa probinsya ng Bataan at agad tumuloy sa Incident Command Post sa Lamao Port ng Limay.
Ang mga ito ay binubuo ng pitong miyembro ng US Coast Guard (USCG) at isang eksperto mula sa National Oceanic and Atmospheric Administration (NOAA).
Samantala, kampante si Philippine Coast Guard (PCG) spokesman Rear Admiral Armand Balilo na magiging malaking bentahe ang expertise ng mga US personnel sa tuluyang pag-kontrol sa epekto ng oil spill.
Makakatulong aniya ang mga ito sa coastal management kasunod ng pagkalat ng langis habang ang weather expert ng US ang magbibigay ng expertise ukol sa epekto ng lagay ng panahon sa ginagawang operasyon ng bansa.
Ayon kay Balilo, ang mga naturang personnel ang makakatulong sa bansa sa mga naturang aspeto.