-- Advertisements --
Patay ang walong Vietnamese migrants matapos na masunog ang kanilang tirahan sa Moscow, Russia.
Hindi na agad nakalabas ang mga biktima sa pagkakasunog ng kanilang pasilidad sa Ramensky district sa southeast Moscow.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, mula sa faulty electrical wiring ang nasabing sunog.
Hindi rin malinaw sa mga otoridad kung paano naninirahan sa lugar ang mga migrant.
Noong 2018 ay mayroong 14,700 na mga Vietnamese ang nabigyan ng working permits.