-- Advertisements --

DAVAO CITY – Nasa kustodiya na ngayon ng otoridad ang walong mga vintage bomb na nahukay sa nagpapatuloy ngayon na Davao city coastal road nitong lungsod.

Base sa report, nahukay ang nasabing mga vintage bomb sa mga nagtratrabaho sa coastal road project sa Talomo center beach ng Brgy. Talomo nitong lungsod.

Nabigla umano ang backhoe operator ng kabilang sa kanyang mga nahukay ang mga bomba na nasa 15 hanggang 20 kilo ang bigat ng bawat isa.

Agad naman na rumesponde sa lugar ang mga personahe ng explosive ordinance division ng Davao city Police office.

Inaalam pa ngayon ng EOD kung anong klase ng triggering device ang nasa nasabing bomba.

Ngunit nilinaw nito na maliit lamang ang tsansa na sasabog ito ngunit kailangan pa rin na maging alerto para sa kaligtasan.

Matatandaan na noong nakaraang linggo lamang nasa higit 80 rin na mga vintage bomba ang nahukay sa ginagawang bulk water project sa Poblacion Calinan nitong lungsod.

Nanawagan rin ang otoridad sa publiko na agad na makipag-ugnayan kung sakaling may mahukay na mga bomba.