-- Advertisements --
Matapos ang mga pagbuga ng abo noong nakaraang linggo, nakapagtala naman ng walong volcanic earthquakes sa Taal volcano.
Ayon sa ulat ng Phivolcs, nananatili sa Alert Level: 1 ang bulkan dahil maituturing na bahagyang aktibidad ang ipinapamalas nito.
Sa walong pagyanig, lima rito ang direktang natukoy na volcanic tremors at tumagal ng dalawa hanggang apat na minuto.
Maliban dito, may naitala ring Sulfur Dioxide Flux na nasa 3,823 tonelada.
Mayroon ding upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake.
Sa pagbuga naman ng usok, namataan dito ang 2,400 metrong taas na napadpad sa kanluran-hilagang kanlurang direksyon.
Habang may ground deformation din sa may Taal Caldera sa gawing hilaga at timog silangan ng volcano Island.