ROXAS CITY – Naka-confine sa ospital ang walong taong gulang na bata matapos silaban ng pitong taong gulang na kaklase sa Culasi Elementary School sa Capiz.
Nagtamo ng malaking paso sa dibdib ang biktima na si alyas Boy dahil sa pagsilab sa kanya ng kaklase gamit ang posporo habang nasa banyo.
Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay John Felix Apinan, tiyuhin ng biktima, sinabi nitong nagtaka sila nang makita ang malaking sugat sa dibdib ng pamangkin.
Sinabi pa diumano sa kanila ng biktima na natumba lang ito kaya nagkaroon ng pasa sa dibdib.
Matapos pinatingnan sa hilot ang pamangkin ay sinabihan silang hindi ito sugat mula sa pagkakatumba.
Dahil dito ay nagduda si Apinan kaya muling tinanong ang biktima na tsaka lang umamin na sinilaban ito ng kaklase.
Nabatid na nagsisilbing guardian ng biktima ang lola at tiyuhin na si Apinan dahil nagtatrabaho sa Manila ang ina nito.