-- Advertisements --
ILOILO CITY – Umaabot sa 80 mga bahay ang nasunog sa Barangay Ortiz, Iloilo City proper.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay F/CInsp. Melanie Habawel, city fire marshal ng Iloilo City Fire Station, sinabi nito na sa nasabing bilang, 68 na bahay ang totally burned samantala 12 naman ang partially burned.
Ayon sa kanya, nagsimula ang apoy sa bahay ni Virginia Gallon kung saan kuryente ang tinuturong dahilan ng nasabing sunog.
Ani Habawel, umaabot sa P1.17-milyon ang naiwang pinsala ng nasabing sunog.
Napag-alaman na kakatanggap lang ng cash assistance sa pamamagitan ng Social Amelioration Program ang mga biktima ng sunog.