CENTRAL MINDANAO-Lubos ang pasasalamat ni Barangay Magatos Kabacan, Cotabato Brgy Captain Jerald Pedtamanan matapos na mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na maipasok sa programa ng Department of Labor and Employment na TUPAD.
Ayon kay PESO Manager Eufrosina Mantawil abot sa 80 na mga benepisyaryo ang pasok sa Brgy. Magatos.
Ang mga ito ang maglalaan ng sampung araw na cash-for-work at inaasahang tatanggap ng sahod na aabot sa mahigit 3,000.
Kaugnay nito, siniguro ni ABC President Evangeline Pascua-Guzman sa mga residente na laging nakaantabay ang lokal na pamahalaan upang mailapit sa mga National Line Agencies ang Kabacan upang matugunan ng tulong.
Samantala, inanunsyo rin ni Mantawil na sa tulong ni Kabacan Mayor Herlo P. Guzman, Jr. ay hindi lamang Magatos ang magiging benepisyaryo.
Matatandaang una ng nagsagawa ng kahalintulad na aktibidad sa mga residente ng Osias.