Umabot sa 80 dating mga rebelde ng komunista ang nanumpa ng kanilang katapatan sa pagsunod at tuluyang paglisan sa kanilang grupo.
Ang naturang seremonya ay ginanap sa lalawigan ng Aurora, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).
Habang pinangunahan ito ng 91st Infantry (Sinagtala) Battalion, katuwang ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU).
Ayon sa DILG naganap ang paglagda ng mga katapatan sa Barangay Ipil sa bayan ng Dipaculao, kung saan sinaluhan ng mga dating rebelde ang seremonya sa pamamagitan ng pagsunog ng mga bandila ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF), bilang simbolo umano ng kanilang pagtanggi sa ideolohiya ng communist terrorist group (CTG).
Binanggit din ni DILG Aurora Provincial Director Ener Cambronero na ang aktibidad ay nagpapakita ng dedikasyon ng gobyerno sa mga pagsisikap nitong mabuo ang kapayapaan sa bansa.