-- Advertisements --

Nagbabala ang Hong Kong police laban sa paglala ng karahasan sa nangyayaring anti-government protests kasunod ng pagdakip sa 80 kataong nakibahagi sa mga demonstrasyon nitong weekend.

Bago ito, nanggulo ang mga ralyista sa mga distrito ng Tuen Mun, Yuen Long, Sha Tin at Tseung Kwan O sa New Terrotories, maging sa Mong Kok sa Kowloon Peninsula.

Pinagbabato ng bricks at petrol bombs ang mga pulisya, at sa Tuen Mun ay tinangka ng isang demonstrador na nakawin ang revolver ng isang police officer.

“No excuses, no propaganda can justify or glorify such acts of violence,” wika ni police spokesman Tse Chun-chung. “We appeal to every member of the public to cut ties with all criminal elements and join us in condemning such violent acts.”

Kinondena rin ni Tse at ng unyon ng police officers ang tangkang pagtangay sa pistola ng isang opisyal.

“We are hereby giving our strongest warning: anyone who attempts to rob police pistol or equipment, officers will definitely use relevant force to stop it. The perpetrator will bear all responsibilities,” ani Tse.

Ang 80 dinampot ay inaakusahan sa iba’t ibang uri ng krimen, gaya ng unlawful assembly, possession of weapons, assaulting police, at pambabastos sa Chinese national flag.

Iniimbestigahan na rin aniya nila ang siyam na insidente ng pambababoy sa Chinese flags, kabilang na ang dalawang watawat na binastos nitong weekend. (Kyodo News)