-- Advertisements --

DAVAO CITY – Tinatayang aabot sa 80 mil hanggang 100k na mga pasahero ang dadagsa sa Davao City Overland Transport Terminal (DCOTT) ngayong kwaresma.

Sumala kang DCOTT Manager Dr. Aisa S. Usop, inaasahan na nila ang dami ng mga pasahero lalo na at ipinapatupad parin ang City ordinance 110 na nagtatakda na, sa Davao City Overland Transport Terminal lang magpapababa at magpapasakay ng mga pasahero.

Dagdag pa ni Usop na ipapagamit din nila ang employee’s entrance para sa mga senior citizen, buntis at may mga dalang bata upang di sila maipit sa haba ng pila.

Nakipag coordinate na rin ang DCOTT sa iba pang ahensya ng pamahalaan para sa ibang paghahanda kagaya nalang ng surprise drug test sa mga drivers upang maseguro ang kaligtasan ng mga pasahero.

Sa kabilang dako, ay naglatag na ng security measure ang Davao Task Force. Ayon kay Davao Task Force Commander Lt. Col. Darren Comia, naka set-up na ang security plan gamit ang revised security template na ipapatupad.

Inaasahan na ang pagdagsa ng mga deboto at bakasyonista. Bagama’t walang banta ng terorismo sa lungsod pero mananatiling mahigpit ang seguridad sa border control checkpoint.