-- Advertisements --
Inilikas ng Vietnam ang nasa 80,000 na katao na karamihan ay mga turista mula sa sikat na resort ng Da Nang matapos na magpositibo sa coronavirus ang tatlong residente doon.
Ayon kay Prime Minister Nguyen Xuan Phuc, ito ang kanilang ginawang hakbang para hindi na kumalat pa ang nasabing virus.
Ito ang unang pagkakataon na nakapagtala sila ng bagong kaso ng coronavirus sa loob ng 100 araw.
Isa sa pasyente ay 57-anyos na lalaki na bumiyahe sa ibang bansa at naninirahan sa Da Nang sa nakaraang mga buwan.
Hiniling naman ng Prime Minister ng malawakang testing sa lugar ganun din ang contact tracing.
Dinadayo kasi ng mga turista ang Da Nang kung saan nasa 8.7 million na turista ang bumibisita sa lugar kada taon.