-- Advertisements --
MV diamond bacarro cruise ship
President Jan Swartz personally welcomed disembarking passengers from M/V Diamond Princess (photo grab from Princess Cruises FB)

Muli na namang nadagdagan ang bilang ng mga Pinoy crew at pasahero na nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID-19) na umakyat sa 80 na pawang sakay ng Diamond Princess cruise ship sa Japan.

Ito ang kinumpirma ni Twitter post ni Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay.

Liban dito nasa 10 namang mga Pinoy ang pinayagan nang makalabas ng ospital matapos na gumaling na.

“Per Tokyo Philippine Embassy, 80 Filipinos from the Diamond Princess cruise have so far tested positive for COVID-19,” ani Usec. Dulay.

Samantala ang mga nahawa sa COVID ay pansamantala munang maiiwan sa Japan at hindi makakasama sa dalawang eroplano na lilipad mamayang gabi pabalik ng Pilipinas.

Nasa 400 na karamihan ay mga crew ng barko ang susunduin ng dalawang chartered flights na umalis kanina sa Pilipinas.

Pagdating sa bansa ang mga evacuees ay sasailalim muna sa 14-day quarantine period sa New Clark City na nasa Capas, Tarlac.

Pinoy crew diamond princess japan
Filipino crews from M/V Diamond Princess