-- Advertisements --

Nasa 80 porsyento ng mga Filipino na may edad 60 pataas ang walang retirement fund.

Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno, nasa 20 porsiyento pa lamang na mga senior citizen na Filipino ang nasasakupan ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System o (GSIS).

Tumatanggap umano ng P5,123 na buwanang pension ang mga retired SSS members habang mayroong P18,525 naman sa GSIS.

Isinisi naman ng ilang financial advisor na ang kakulangan sa kaalamang pinansiyal kaya maraming mga Filipino ang walang retirement plan.