-- Advertisements --

KALIBO, Aklan -Halos 80 porsiyento ng mga manggagawang Pinoy sa Israel ang naturukan na nang bakuna laban sa COVID-19 gamit ang Pfizer/BioNTech vaccine.

Ito ang kinumpirma ni Winston Santos, founder at managing director ng National Alliance of Filipino Community sa naturang bansa.

Mayoriya rin aniya sa mga mamamayan sa Israel ay nakatanggap na nang bakuna bagay na maituturing na silang COVID-free na bansa at balik na sa normal ang kanilang pamumuhay.

Patunay umano dito na pinapayagan na ang mga mamamayan na lumabas na walang suot na face mask.

Pinuri pa ni Santos ang Israeli government sa pagharap sa pandemya dahil maliban na libre ang bakuna, lahat ng mga manggagawa na tinamaan ng coronavirus, may dokumento man o wala ay pinapagamot.