-- Advertisements --

Inanunsyo ng mga health expert sa China na kasabay ng pagtaas ng bilang ng mga namamatay dahil sa Wuhan corona virus, may mga gumagaling din sa sakit na ito.

Sa ulat ng China Global, nasa 51 na ang bumuti ang kondisyon, sa kabila ng inisyal na pagpositibo nila sa nasabing sakit.

Nangangahulugan ito na may pag-asa pa ring gumaling maging ang mga kumpirmado nang nagkaroon ng virus.

Sa kasalukuyan, 80 na ang recorded na namatay, habang 2,761 naman ang nag-positibo.

Umaabot naman sa 37 kaso ay mula sa labas ng China.

Tinitingnan na rin ng mga eksperto ang posibilidad na mutation ng sakit, dahil kapag nangyari ito ay maaaring maging mas malakas pa ang corona strain.