Kinumpirma ng pambansang pulisya nasa 80 porsyento na ng mga dokumenro kaugnay sa war on drugs na ipinasusumite sa korte suprema ay hawak na ng PNP.
Ayon kay PNP Spokesperson CSupt. John Bulalacao na patuloy ang ginagawang pagsisikap ng PNP na makumpleto ang mga nasabing dokumento.
Hindi naman masabi ni Bulalacao kung ilang araw o buwan ang kanilang hininging extension sa Korte Suprema para maisumite ang mga dokumento.
Ang mga nasabing dokumento ay kinabibilangan ng spot report at iba pa.
Aniya may mga dokumento pa silang hinihintay mula sa ibat ibang probinsiya kaya hindi pa ito nakukumpleto hanggang sa ngayon.
Dagdag pa ni Bulalacao na ilan sa mga dokumento ay naisumite na ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) sa office of the solicitor general.
Tinatrabaho na rin ng PNP ang pangangalap pa ng mga karagdagang dokumento para mabuo na nila ang mahigit na 4,000 kaso ng operasyon sa paglaban sa iligal na droga.