-- Advertisements --
SIM CARDS

Tiwala ang 80 percent ng mga Pilipino ang naniniwalang mareresolba sa pamamagitan ng SIM card registration ang cybercrime sa bansa.

Base ito sa datos na inilabas ng data research firm Tangere.

Lumalabas na dalawa sa tatlong Pilipino ang naniniwala na malaki ang tulong ng SIM card registration sa pagsugpo ng krimen.

Samantala, 3 naman sa kada limang Pilipino ang hindi pa nakakapagparehistro dahil naniniwalang macocompromise ang kanilang impormasyon.

Napag-alaman na isinagawa ang naturang survey sa pamamagitan ng mobile survey mula January 18 hangang January 20 sa mahigit 2,400 respondents sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ignacio