Aabot sa higit 800-aftershocks na ang naitala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) matapos ang magnitude-5.1 sa Luzon nitong nakaraang Lunes.
Ayon sa situation report ng NDRRMC nitong araw, may kabuuang 821-aftershocks na ang na-record mula sa lindol na tumama sa malaking bahagi ng Central Luzon.
Sa ilalim ng datos, 108 ang plotted habang 10 lamang naitalang naramdaman na may magnitude 1.4 hanggang 4.5.
Naglaro naman ang level ng Intensity nito sa I hanggang III.
Samantala, umabot naman sa higit P500-milyon ang halaga ng danyos na iniwan ng kalamidad sa mga naapektuhang lugar sa Central Luzon, Ilocos region, Calabarzon at Metro Manila.
Batay sa NDRRMC report nasa 1,549 na bahay ang bahagyang nasira habang nasa 334 ang mga gusaling nagkaroon ng damage.
Sa ngayon nasa P1.6-milyon na raw anh halaga ng tulong na naipaabot ng pamahalaan sa mga residenteng naapektuhan sa Central Luzon.
Nasa 18 naman ang patay habang 243 ang sugatan.
May lima ring iba pa ang pinaghahanap.