GENERAL SANTOS CITY – Nagbayanihan ngayon ang mga apektadong residente matapos ang nangyaring pagbaha sa dalawang malaking barangay dito sa General Santos City.
Nabatid na maraming kabahayan sa Barangay Fatima at Tambler ang pinasok ng tubig-baha kasunod ng malakas na buhos ng ulan noong nakaraang araw.
Binaha ang Purok 17 Fatima kung saan ayon sa mga residente na nagmula sa Barangay San Jose nitong lungsod ang rumagasang tubig-baha sa kanilang lugar.
Habang apektado naman ng pagbaha ang 800 residente ng Purok Paradise Brgy. Tambler.
Sa panayam ng Bombo Radyo GenSan , inihayag ni Barangay Chairman Reynante Curit ng Fatima na unang beses nilang naranasan ang malakas na pagbaha na sumira sa mga kalsada.
Dahil dito pahirapan ngayon ang pagsasayos ng mga daan dahil na rin sa mga nakahambalang mga putol na punungkahoy, mga malalaking bato at iba pang bagay.
Gayunman, unti-unting nagagawan ng solusyon ang problema dahil na rin sa pagtutulongan ng mga residente matapos ang paglalagay ng sandbag sa mga nasirang kalsada.