Nag-anunsiyo ng amnestiya ang Myanmar military junta para sa higit sa 800 mga bilanggo upang markahan ang “Union Day” ng bansa, habang nagsagawa ito ng parada at pagpapakita ng puwersa sa kabisera.
Ang bansa ay nasa kaguluhan mula noong kudeta noong nakaraang taon, na may mga malawakang protesta at isang kasunod na pagsugpo sa militar na pumatay ng higit sa 1,500 sibilyan, ayon sa UN’s human rights office.
Ang pinuno ng Junta na si Min Aung Hlaing ay naglabas ng “pardon order” — isang regular na tampok ng mga pangunahing holiday sa bansa — para sa 814 na mga bilanggo upang gunitain ang ika-75 anibersaryo ng Union Day.
Ang mga mabibigyan ng amnestiya ay karamihan ay mula sa mga kulungan sa commercial hub Yangon.
Hindi na sinabi kung ang nakakulong na si Australian academic Sean Turnell ay kabilang sa mga pinalaya.