Handa umanong makipagtulungan ang Chinese Embassy sa Mongolian police matapos arestuhin ang nasa 800 Chinese citizens sa kabisera ng bansa na Ulaanbaatar.
“The police department of Mongolia has taken the necessary measures in this case and is currently in the process of investigating,” saad sa pahayag ng embahada.
“China and Mongolia will have open law enforcement and security cooperation, and the two parties will be working closely together on this matter.”
Bago ito, nakumpiska rin ng mga otoridad ang daan-daang mga computer at mobile phone SIM cards na hinihinalang ginagamit sa cybercrime.
Ayon kay Gerel Dorjpalam, pinuno ng General Intelligence Agency of Mongolia, nangyari ang hulihan matapos salakayin ng mga pulis ang apat na lokasyon noong Martes kasunod ng dalawang buwang mga imbestigasyon.
Posible rin aniyang dawit ang mga ito sa illegal gambling, fraud, computer hacking, identity theft at money laundering.
“As of this moment we suspect they are linked to money laundering,” anang opisyal. “We are looking into the matter.” (Reuters)