-- Advertisements --

Umaabot sa 823 inmates at 25 mga staff ang nagpositibo sa COVID-19 sa Lompoc Federal Correctional Complex na nasa California Santa Barbara County.

Nilinaw ng Federal Bureau of Prisons (BOP) na ang naturang mga kaso ay mula sa dalawang pasilidad na may mahigit 2,000 mga bilanggo.

Ito ay ang FCI Lompoc, isang low-security correctional institution na may 1,162 inmates, at ang USP Lompoc, isa namang medium-security na US penitentiary na naglalaman ng 1,542 inmates.

Sinasabing dalawang mga preso na rin ang namatay dahil sa coronavirus complications.

Sa ngayon suspindido muna ang lahat ng visitations sa naturang jail complex.