-- Advertisements --
Nananatiling stranded ang 801 katao sa mga pantalan sa Luzon at Visayas ngayong Martes dahil sa patuloy na masamang lagay ng panahon dulot ng bagyong Enteng.
Sa datos ng Philippine Coast Guard kaninang alas-4 ng umaga, kabilang sa stranded ay ang mga pasahero, mga driver at cargo helpers sa mga pantalan ng probinsiya ng Pangasinan at sa rehiyon ng Calabarzon, Bicol at Western Visayas habang 23 barko at 34 na motor bancas ang nagkansela ng biyahe sa dagat at nakisilong sa naturang mga pantalan.
Una ng iniulat ng PCG na nasa 3,383 katao ang na-stranded sa mga pantalan sa Calabarzon, Bicol, Eastern Visayas at Western Visayas sa kasagsagan ng malakas na alon dala ng pabugsu-bugsong hangin at ulan.