-- Advertisements --

800 katao sa Uganda, naturukan ng pekeng COVID-19 vaccines; 2 medical workers sa scam, nahuli

Umabot sa halos 800 katao sa Uganda ang naturukan ng mga pekeng COVID-19 vaccines kung saan may lamang tubig ang ibinakuna sa mga Ugadan.

Nitong Mayo at Hunyo umano isinagawa ang nasabing pagpapabakuna, mga panahong kulang pa ang supply ng vaccines sa bansa at nasa 1,700 kada araw ang may kaso ng coronavirus.

Ayon kay Dr. Warren Naamara, director ng Uganda Health Services, naging biktima ng mga gumawa ng krimen ang ilang mga pribadong kimpanya upang makapangikil ng pera mula sa publiko.

Dagdag din nito, nahuli na ang dalawa sa mga medical workers na gumawa umano ng nasabing scam.

Nagpaabiso din ito sa mga naturukan na huwag mabahala dahil hindi delikado ang mga naiturok na mga pekeng COVID-19 vaccines sa kanila.

Samantala, magmumulta naman ang mga gumawa ng pekeng vaccines ng nasa $25 – $110 sa bawat bakunang kanilang ginawa at itinurok.