-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Umaaray na ang mahigit 800 rice at corn planters ng Misamis Oriental dahil sa matinding epekto ng tagtuyot.
Sinabi ni Provincial Agriculturist Apollo Pacamalan sa panayam ng Bombo Radyo, umabot na sa mahigit P50-milyon ang danyos dahil sa kakulang nga tubig sa kanilang mga sakahan.
Nasa 10 munisipyo ng Misamis Oriental ang posibleng isailalim sa state of calamity dahil sa pagkasira ng mga high valued crops kagaya ng mais at palay na siyang pangunahing hanapbuhay ng mga magsasaka sa probinsya.
Una nang binanggit noon ni Department of Agriculture regional director Carlene Collado na nasa P300-milyon na ang initial damage na idinulot ng kalamidad mula sa limang probinsya ng rehiyon.