Panibago na namang daan daang mga overseas Filipino workers (OFW) ang dumating sa Pilipinas mula sa ibang bansa.
Kabilang sa dumating ang mahigit sa 500 mga OFW mula sa United Arab Emirates (UAE).
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapauwi sa mga kababayan ay bahagi pa rin ng repatriation program sa mga OFW na nawalan ng trabaho dahil sa lockdown at iba pang kadahilan.
Winelcome rin naman ng DFA ang pagdating din ng special flight mula sa Indonesia na may sakay ng halos 140 mga stranded OFWs.
Kabilang sa sakay ng eroplano ang Pinoy fisherman na naunang na-rescue habang nagpalutang lutang sa karagatang sakop ng Central Sulawesi noong buwan ng Abril.
Samantala, umaabot din sa 200 mga returning Filipinos ang dumating din sa Ninoy Aquino International Airport matapos sunduin ng gobyerno mula sa San Francisco sa Amerika.
“A testament to the DFA’s full commitment to leaving no Filipino behind as we #BeatCOVID19,” ani DFA sa Twitter post.