Nadiskubre ng Commission on Elections (Comelec) ang humigit-kumulang 800 vote counting machines (VCMs) na may depekto sa huling testing at sealing.
Base sa report, kabuuang 790 VCM ang nakitang may depekto, na mas mababa sa 1% ng kabuuang bilang ng mga VCM.
Gayunpaman, hindi bababa sa 233 VCM ang napalitan noong Sabado.
Hindi naman bababa sa 143 SD card ang nakitang may depekto, ngunit 107 ang napalitan na.
Ang huling pagsubok at sealing ay nagsimula noong Mayo 2.
Samantala, sinabi naman ni acting Comelec spokesperson John Rex Laudiangco na ang mga hindi nagamit na balota sa Araw ng Halalan, Mayo 9, ay hahawiin sa kalahati ng electoral board bilang bahagi ng proceedings pagkatapos ng pagboto.
Sinabi ni Laudianco na ang mga ito ay nakasaad sa mga pangkalahatang tagubilin para sa mga electoral board, at idinagdag na ang dalawang kalahati ay ilalagay sa magkahiwalay na mga sobre.
Sa iba pang developments, may kabuuang 472,559 mula sa 1,697,215 na botanteng Filipino sa ibang bansa ang nakaboto na.