Nasa 8,000 hot spots o areas of concern ang mahigpit na tinututukan ngayon ng Philippine National Police (PNP) para sa nalalapit na 2019 midterm elections.
Ayon kay PNP chief PDGen. Oscar Albayalde ang 8,000 na mga hot spots at initial list lamang ng PNP.
Aniya, maaari pa itong madadagdagan sa mga susunod na mga araw.
Sa ngayon, may mga assessment nang ginagawa ang PNP sa mga lugar na may mga naitalangf insidente na may kaugnayan sa pulitika.
Mariin din mino monitor ng PNP ang nasa 77 na mga private armed groups (PAGs) na nag-ooperate sa bansa kung saan karamihan dito ay nasa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
Kasama din tinututukan ng PNP ay mga gun for hire syndicates dahil sila ang posibleng gamitin para sa mga insidente ng patayan.
Sa kabilang dako, ipinag-utos na ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Ano sa PNP na ngayon pa lamang may mga adjustment ng ipapatupad sa kanilang personnel at mag deploy na rin ng mga tropa sa mga lugar na tinukoy na mga hot spots areas.