-- Advertisements --

Nasa 8,000 pamilyang apektado ng Bagyong Vicky ang nabigyan na raw ng tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay DSWD Undersecretary Rene Glen Paje, nakapagpamahagi na ng tulong ang kagawaran sa mahigit 36,000 indibidwal sa 149 barangay sa Central Visayas, Eastern Visayas, Davao Region at Caraga matapos ang pananalasa ng bagyo.

Ang mga ito aniya ay nabigyan ng family food packs at packed meals.

Sinabi rin ni Paje, bukas para sa lahat ng mga nangangailangang Pilipino ang assistance ng DSWD para sa mga indibidwal na nahaharap sa crisis situations, pero may kaakibat na requirements.

Una rito, batay sa pinakahuling datos mula sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, nag-iwan ang Bagyong Vicky ng walong patay, dalawang sugatan at isang nawawala.

Umabot rin umano sa P105.4-milyon ang iniwang pinsala ng naturang sakuna.