-- Advertisements --
LA UNION – Inaasahan na aabot sa 8,000 ang mga deboto ang sasama sa Traslacion ng Poong Nazareno bandang alas-4:00 mamayang hapon.
Mismong si La Union Bishop Daniel Presto ang magsasagawa ng misa para sa Nazareno na ikalawang beses nitong pagpunta sa ciudad ng San Fernando, La Union.
Maliban dito, inaasahan rin ang mabigat na daloy ng trapiko kung saan ay isasara ang ilang kalsada na patungo ng mismong plaza na dadanan ng Traslacion.
Kaugnay nito, may hanggang November 30 na mananatili ang Nazareno sa lalawigan bago ito ibabalik sa Quiapo, Maynila.
Samantala, dagsaan na rin ang mga mamimili ng ilang Nazareno memorabilla gaya ng rosaryo, prayer book, mga santo at iba pa na nakadepende sa presyo ng bawat isa.