Pumalo na sa 866,483 ang mga indibidwal na apekado ng masamang lagay ng panahon sa bansa .
Ito ay dahil na rin sa umiiral na hanging habagat na lalo namang pinalalakas ng bayong Carina at epekto pa rin ito ng nagdaang bagyong Butchoy.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council , ang naturang bilang ay katumbas ng 179,744 pamilya.
Nagmula ito sa 642 na mga barangay sa rehiton ng MIMAROPA, Regions 6, 7, 9, 10, 11, 12, CARAGA at BARMM.
Samantala, mula sa bilang ng mga apektadong indibidwal , 33,645 sa mga ito na katumbas ng 7, 738 pamilya ay nanunuluyan ngayon sa higit 56 na evacuation center na itinalaga ng mga otoridad.
Sa ngayon, sumampa na walong indibidwal ang naitalang nasawi dahil sa lagay ng panahon.
Pito sa mga ito ang nakumpirma na habnag ang isa ay patuloy na biniberipika.
Tiniyak naman ng gobyerno na tuloy ang kanilang pamamahagi ng tulong kung saan P29-M ang halaga na ang naipamahagi nito.