-- Advertisements --

Pumalo na sa 803 ang total na bilang ng COVID-19 cases sa bansa matapos na may 96 na nag-positibo ayon sa Department of Health.

Ito ang pinaka-maraming kasong nag-test positive na naitala sa isang araw.

Patuloy ding umakyat ang bilang ng death case na ngayon ay 54 na dahil sa pagkamatay ng siyam na kaso.

Sila ay sina: PH366, PH637, PH571, PH178, PH389, PH462, at PH 437.

Ang lima sa kanila lalaki, at apat ang lalaki.

Yung pito naman ay walang travel history, pero may dalawang related sa COVID-19 case.

Pinaka-matanda ang 83-year old na babaeng mula Cavite.

May tatlo ring nadagdagn sa recoveries matapos gumaling sina PH4 at PH42 na parehong lalaki at may travel history sa Japan.

Bagamat walang travel history, na-expose naman sa positibong pasyente ang isa pang gumaling na si PH66 na lalaking taga-Pasig.