-- Advertisements --

LA UNION – Tuluyang binawi ng 81 magsasaka ang kanilang pagsuporta sa New People’s Army (NPA) sa bayan ng Guimba, Nueva Ecija.

Sa panayaman ng Bombo Radyo kay Maj. Amado Gutierez ng Public Affairs Office ng 7th Infantry Division ng Philippine Army, sinabi nito na kabilang din sa mga nagbalik loob sa pamahalaan ay ang mga lider ng Liga ng Mangagawang Bukid.

Ayon kay Gutierez, matapos ang ilang araw na pakikipag-usap ay nabatid ng naturang grupo na ginagamit lamang sila ng NPA kaya tumiwalag ang mga ito.

Sila ang kinakasangkapan umano ng mga NPA para makatakas tuwing mayroong operasyon ang mga militar sa lugar.

Samantala, nagbigay din ng suporta ang pamahalaan sa mga nasabi magsasaka.