-- Advertisements --

Binitay ng Saudi Arabia government ang nasa 81 katao na unang hinatulan ng kasong terorismo.

Ito na ang itinuturing na pinakamalaking bilang ng mga binitay sa Saudi Arabia.

Ayon sa Saudi Press Agency na ang mga binitay ay napatunayang guilty sa mga karumal dumal na krimen.

Ang nasabing mga suspeks umano ay iniuugnay sa Islamic States militants, Al-Qaeda, Huhti rebel forces ng Yemen at ilang mga terrorist organization.

Sangkot umano ang mga ito sa pagpatay sa ilang mga government officials at pagpapasabog sa mga pasilidad ng gobyerno.