-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Isang unexploded ordnance (UXO) ang aksidenteng nadiskubre nng isang magsasaka sa Purok Cocacola, Brgy. Igbaras, Pigcawayan, Cotabato.

Agad namang nagresponde ang mga otoridad at nagsagawa nang safety procedure sa ekplosibong natagpuan.

Ayon sa 34th Infantry Battalion – Explosive Ordnance Disposal E Team, ang natagpuang UXO ay isang 81mm mortar high explosive cartridge.

Nagpapasalamat naman ang 6th Infantry (Kampilan) Division at jOint Task Force Central Commander,Major General juvymax Uy sa sibilyan na nakadiskubre sa bomba at agad pinagbigay alam sa mga otoridad.

Umapela naman si M/Gen Uy sa publiko na kung may kahina-hinalang mga bagay na makita ay agad na ipagbigay alam sa kinauukulan upang masiguro ang kaligtasan at maiwasan ang maaaring hindi inaasahang pangyayari.