May kabuuang 81 overseas Filipinos ang nahaharap sa death penalty cases habang 135 acquittals ang na-secure noong 2022, ayon sa pinakahuling datos ng Department of Foreign Affairs (DFA).
Siniguro ng ahensya sa publiko na ito ay nagsusumikap at ginagamit ang lahat ng diplomatic channels na magagamit upang matiyak na walang parusang kamatayan ang ipapatupad laban sa sinuman sa ating mga kababayan.
Ayon sa DFA, binawi nito ang parusang kamatayan sa dalawang Pilipino sa Saudi Arabia noong 2022 dahil sa pagkakaroon ng illicit affair, na pinababa ang sentensiya sa siyam na taong pagkakakulong.
Sinabi nito na ang 135 acquittals na nakuha noong nakaraang taon ay mas mataas kaysa sa 98 na naitala noong 2021.
Lumabas sa datos ng DFA na 132 sa mga acquittals ay naitala sa Middle East region, dalawa sa Asia, at isa sa Africa.
Ipinunto din ng DFA na maraming mga kasong isinampa laban sa mga Pilipino sa ibang bansa ay para sa mga krimen na hindi naman tinitingnan bilang mga pagkakasala sa Pilipinas.