-- Advertisements --
image 360

Umakyat pa sa 81 ang bilang ng mga namatay matapos mag-collapse ang isang tulay sa Gujarat, India.

Nauna nang nailigtas ang 150 katao habang nasa 30 katao ang naitakbo sa pagamutan matapos na magtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Nauna na ring sinabi ni State Home Minister Harsh Sanghavi na posibleng madagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa insidente.

Ang nasabing tulay aniya ay naitayo mula pa noong 19th century at isinara ng anim na buwan at binuksan lamang noong nakaraang linggo.

Patuloy na inaalam pa rin ng mga otoridad ang dahilan ng nasabing aksidente.