-- Advertisements --
Nasa 81 percent na ng P22.9 billion na ayuda ang naipamahagi na sa National Capital Region Plus na unang naapektuhan ng pagpapatupad ng modified enhance community quarantine.
Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ang nasabing halaga ay naipamahagi bago ang itinakdang deadline sa Mayo 15.
Tiwala rin ang kalihim na maipapamahagi na ng mga opisyal ng NCR, Laguna, Rizal, Bulacan at Cavite ang mga ayuda bago ang deadline.
Karamihan sa mga hindi pa natatapos ang pamamahagi ng ayuda ay yaong mga lugar na may maraming populasyon at ang patuloy na pagbeberipika ng mga pangalan.