-- Advertisements --

Nagmistulang referee ang mga senador sa patuloy na bangayan ng kampo ng Pinoy pole vaulter na si Ernest John “EJ” Obiena at PATAFA Pres. Philip Juico.

Pareho kasing hindi nagbibigay-daan ang magkabilang panig na nauuwi na sa deadlock ang sitwasyon.

Kaya mismong si Senate committe on sports chairman Sen. Bong Go na ang umawat sa palitan ng mga salita.

Nag-ugat ito sa liquidation ng budget na nakalaan kay EJ at sa kaniyang coach.

Para kay PATAFA President Philip Juico, mula noon pa nila ninanais na maresolba ang problema ngunit ang panig ni Obiena ang hindi nakikipagtulungan.

Pero sa panig ni Obiena, si Juico at ang iba pang opisyal ng PATAFA ang hindi tumitigil sa pag-ipit sa kaniya.

Sinaway na rin ni Ph Sport Commission (PSC) Chairman William “Buth” Ramirez ang mga ito, para ganap na makausad.

Inaasahan ng mga senador na maaayos na ang problema sa pamamagitan ng maayos na pag-uusap ng dalawang kampo.