-- Advertisements --

Inamin ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na sadyang malaking hamon ang agarang pagbabalik sa suplay ng koryente sa mabilis na paraan matapos na sirain ng supertyphoon Odette ang kanilang mga transmission lines.

Ayon kay NGCP spokesperson Cynthia Alabanza malaking problema ang iniwan ng bagyo sa national grid ng bansa makaraang sirain ang kabuuang 818 na mga poste.

Ito ay liban pa sa libong mga poste rin ng mga electric cooperatives.

Una nang sinabi ni Atty Alabanza na taget ng NGCP na maisaayos ang transmission lines sa loob ng tatlong buwan.

Pero ang mga power distributors ay kailangan din nilang magdoble kayod upang maserbisyuhan ang mga kostumer nila.

Umaasa naman si Bohol Governor Arthur Yap na pagsapit ng buwan ng Marso ay 100 persyento na rin na naibalik ang suplay ng koryente sa kanyang mga kababayan.

Samantala ang iba pang lugar na prayoridad din ng NGCP sa power restoration ay ang Surigao del Norte at Surigao del Sur.